Wednesday, August 16, 2017

Aug 13

Tatlo.  Tatlong taon na.
Bakit ayaw padin umusad ng mga paa
Alaala'y malinaw na malinaw pa
Mga luhang bumubuhos sa mga mata

Nakasulyap sa malayo
Umaasang magkatagpo
Pusong pinipigilan
Patuloy na nilalabanan

Minahal na
Minamahal pa.
At Mamahalin padin

Sana magising na
Sa realidad kung saan wala ka
Mga matang nakatingin
Palayo ng Palayo sa akin

Okay ka ba?
Okay naman ako.
Masaya ka ba?
Masaya ako Para sayo.

No comments:

Post a Comment